|
Maikling Kwento
|
Written by The Storyteller
|
|
Friday, 16 October 2009 |
|
Isa iyong gabing madilim. Wala isa mang bituing nakatanglaw sa madilim na langit ng kagimbal-gimbal na gabing iyon. Nakayukayok at sapupo ng dalawang palad ang mukha, naghihi-mutok ang isang kabataan.
Ang tahanang katatagpuan sa naturang kabataan ay natatanglawan ng isang tinghoy, na kukurap-kurap at ang liwanag ay nanga-nganib nang kusang panawan ng buhay.
Sa yugtong halos isuko na ng kabataan ang sarili sa matinding poot at sa pag-iisip na kahila-hilakbot at palagiang- gumigiyagis sa kanyang puso, na waring nakabaon sa kaibuturan ngunit sapilitan nang ibinubulalas ng dibdib, sa yugtong ito niya naramdaman ang isang mabining haplos sa isa niyang balikat at naulinigan ang isang mahinang tinig, matamis at malungkot, na nag-uusisa:
"Bakit ka lumuluha? Anong kirot o dalita ang dumudurog sa iyong puso at yumuyurak at humahamak sa iyong kabataan at lakas?"
Nag-angat siya ng ulo at natigib sa panggigilalas: may kapiling siya at halos apat na hakbang ang lapit, at nabanaagan niya ang isang anino na waring nababalot ng maputing ulap ang kabuuan.
"Ay, mahabaging anino! Ang mga pighati ko'y walang lunas, walang katighawan. Maaaring kung isiwalat ko sa iyo ay sabihin mo o isipin mong walang anumang halaga. Bakit kailangan mong lumitaw ngayon upang antalahin ang aking paghibik?"
"Hanggang kailan," sagot ng anino, "ang kamangmangan at ang katunggakan ay magging sanhi ng mga hirap at pasakit ng mga tao at ng mga bayan?
"Hanggang kailan kayo makasusunod magbangon pabalikwas sa kabulagan ng pag-unawa tungo sa tugatog ng katwiran at adhika? Hanggang kailan ninyo ako hindi makikilala at hanggang kailan kayo magtitiwalang umasa na kahit wala sa aking piling ay maaa-ring matamo ang tunay at wagas na ligaya tungo sa kapayapaan ng sangkalupaan."
"Sino ka samakatwid na nagmamay-ari ng kagila-gilalas na kapangyarihan at kahanga-hangang lumitaw at nag-aalay?"
"Ay, sa aba ko! Diyata't hindi mo pa ako nakikilala hanggang ngayon? Ngunit htndi ako magtataka, sapagkat mahigit nang tatlong daang taon magmula nang dalawin ko ang tinatahanan mong lupain at kusain ng iyong mga kababayan na sumampalataya sa mga huwad na idolo ng relihiyon at ng mga tao, ng mga kapwa mo nilikha, at kung kaya naglaho sa myong mga gunita ang pagkakilala sa akin...
"Nais mo bang malaman kung sino ako? Kung gayo'y makinig:
Ako ay ang Simula ng mga bagay na higit na dakila, higit na maganda at higit na kapuri-puri, marangal at iniingatan, na maaaring matamo ng sangkatauhan. Nang dahil sa akin ay nalaglag ang mga ulong may korona; nang dahil sa akin ay nawasak ang mga trono at napalitan at nadurog ang mga koronang ginto; nang dahil sa aking adhikain ay nabigo at namatay ang siga ng "Santa Inkisisyon" na ginamit ng mga prayle para busabusin ang libo at libong mamamayan; nang dahil sa adhikain ko'y napagkakaisa ang mga tao at kinalilumutan ng bawat isa ang pansariling pakinabang at walang nakikita kundi ang higit na kabutihan ng lahat; nang dahil sa akin ay natimawa ang mga alipin at nahango mula sa lusak ng pagkalugami at kalapastanganan; at napugto ang kayabangan at kayamuan ng kanilang mababangis na panginoon;
Kailangan ako sa bawat naisin at lasapin ng mga bayan at sa ilalim ng aking kalinga may ginhawa at biyaya at kasaganaan ang lahat, katulad ng idinulot ko sa Hapon, Amerika, at ibangpook; nang dahil sa akin ay umiimbulog ang diwa upang siyasatin at tuklasin ang mga hiwaga ng siyensiya; saan mang pinaghaharian ko ay napaparam ang mga pighati at nakasisinghap nang daglian ang dibdib na nalulunod sapang-aalipin at kabangisan.
Ang pangalan ko ay KALAYAAN."
Nagulilat at naumid ang kabataan pagkarinig nito at pagkaraan ng ilang saglit saka nakapangusap:
"Sapagkat ang mga kabutihan at biyaya mo ay walang kapantay, o kataas-taasang Kalayaan! papawiin ko angpighati na nagpapabalong ng labis-labis na luha sa aking mga mata, na ang sanhi ay hindi naiiba samga pagdaralitang aking lupang sinilangan. Kung mapagmamasdan mo ang mga alipusta, mga pangangailangan, mga kautusang dapat tiisin at pagdusahan ng aking bayan ay matitiyak na tutubuan ka ng awa at muling kakalingain sa iyong magiliw at di-mapag-imbot ngunit kinakailangang pangangalaga. Ay, ihihibik ng aking mga kapatid!
“'Ako,' sabi nila, 'ay nagugutom,' at siyang nagturo sa akin na pakainin ang nagugutom ay tumugon:
'Kainin ang mga labi at mga mumo sa aming masaganang mga piging, sa aming mariwasang hapag!'
"Sabi ng aking mga kapatid: 'Ako'y nauuhaw,' at siyang nagturo sa akin na painumin ang nauuhaw ay tumugon:
'Lagukin ang inyong mga luha at ang pawis, sapagkat dudulutan namin kayo ng sapat na kalinga nito!'
"Hibik ng aking mga kapatid: 'Wala akong damit, ganap akong hubad,' at siyang nag-utos sa amin na damitan ang hubad ay tumugon:
'Ngayon di'y babalutin ko ang buong katawan ng patong-patong na mga tanikala!'
"Sabi ng aking mga kapatid: 'Nahalay ang aking puri ng isang kura, ng isang Kastila, ng isang mariwasa, at ang hukom na matibay na haligi ng hustisya ay tumutugon:
'Ang taong iyan ay tulisan, isang bandido at isang masamang tao: ikulong sa piitan!'
"Sasabihin ng aking mga kapatid: 'Kaunting pag-ibig, kaunting awa at kaunting lingap,' at mabilisang tutugon ang mga may-kapangyarihan at pinunong makatwiran at mabuting loob kung mamahala:
'Ang taong iyan ay filibustero, isang kaaway ng Diyos at ng Inang Espanya: Dalhin sa Iligan!'
"Pansinin at pagmasdang mabuti, KALAYAAN; pagmasdan at pansinin kung dapat magdamdam ang aking puso at kung may sanhi ang pagluha..."
"Dapat magdamdam at lumuha," tugon ni KALAYAAN sa himig na nangungutya at ginagagad ang mapaghimutok na paraan ng pagsasalita.
"Lumuha! Lumuha ay dapat kung ang may sugat ay wala nang dugong maitigis, kung ang mga sukab ay wala nang buhay na maaaring putulin; kung tinatanggap nang ang kawalanghiyaan at katampalasanan sa pagbitay kina Padre Burgos, Gomez at Zamora, sa pagpapatapon kay Rizal, ay hindi nangangailangan ng makatwiran at maagap na paghihiganti, na maaaring mabuhay sa piling ng mga kaaway, at na may mga pagmamalabis na dapat pang ipagmakaawa ng katubusan.
Lumuhasasarilingtahanan.atsakatahimikan atkadiliman ng gabi ay hindi ko maunawaan. Hindi ito ang nararapat para sa isang kabataan... hindi ito ang nararapat."
"Ano ang nais, kung gayon, ano ang dapat gawin? Kaming mga Tagalog ay naugali na sa ganoon. Sapol pa sa sinapupunan ng aming ina ay naturuan na kaming magdusa at magtiis sa lahat ng uri ng mga gawain, upasala, at pagkadusta. Ano ang higit na nararapat naming gawin bukod sa lumuha? Wala na kundi ito ang naugalian ng aming pagkukusa."
"Hindi lahat ng naugalian ay mabuti," paliwanag ni KALAYAAN, "may masasamang kahiligan at ang mga ito'y dapat iwaksi lagi ng mga tao."
Ibig sanang tumutol ng kabataan, ngunit hindi pa niya matiyak ang sasabihin at walang maapuhap na ipangungusap. Sa gayon ay nagpatuloy si KALAYAAN sa pagpapaliwanag. "Ang ipinahayag ko sa iyo ay ang katotohanan. Walang kautusan na maaaring magpabagsak dito, sapagkat hindi maaaring an gwasto at tuwid ay maging kalaban ng wasto at tuwid, maliban kung ito ay binaluktot. Samakatwid, makinigka. Noong sinaunang panahon, noong ang karuwagan at pagkaalipin ay hindi pa pumapalit sa magagandang kaugalian ng iyong mga ninuno, nasa lilim ko ang bayang Tagalog at nasa ilalim ng aking pangangalaga, at siya ay maligaya at sinisimsim ang simoy na nagdudulot sa kanya ng buhay at lakas ng katawan;
Tinatanglawan ng aking liwanag ang kanyang pag-iisip at iginagalang siya ng mga kalapit bayan. Ngunit isang araw, na dapat ikarimarim at isumpa, dumating ang Pang-aalipin at nagpakilalang siya ang kagalingan, ang katwiran, at ang karampatan, at nangakong luwalhati sa lahat ng sasampalataya sa kanya.
"Dumating man siyang nakabihis ng balatkayo ng kagandahan at kabutihan, at mapayapa at magiliw sa kanyang mga paggalaw at pagkilos, ay nakilala ko kung sino siya. Nabatid kong ang kaligayahan ng bayan ay nagwakas na; na ganap nang napako sa kanya ang kapuspalad na bayan... at inalayan siya ng iyong mga kapatid ng papuri at halns pagsamba... at ako ay nakalimutan at halos itakwil nang may pagkamuhi at... Umabot sa akin ang iyong mga hinagpis atnatigibako sa labis-labis na dalamhati at iyon ang dahilan ng aking pagparito. Ngayo'y dapat na akong umalis kaya't paalam na."
"Huwag muna, Kalayaan," pakiusap ng kabataan nang makita siyang tumalikod at nakahandang lumisan. "Pagbigyan mo muna ako ng kaunting panahon. Naipaliwanag mo ang mga malubhang pagmamalabis na pinagdusahan at tiniis ng aking bayan, hindi mo ba sila maaaring kahabagan at ibalik sa iyong pangangalaga?"
"Unawain akong mabuti, bagama't hindi mo nababanggit, walang ibang naririnig ang aking tainga at walang ibang nakikita ang aking mga mata, sapagkat iisa ang pinagbubuhusan at dinaramdam ng aking puso at kung kaya maagap akong dumadamay at humahanap sa mga naaapi at tuwing may naririnig na dumaraing.
Ngunit walang tao na karapat-dapat sa aking pangangalaga at kalinga kung hindi siya pumipintuho sa akin at umiibig sa akin, at kung wala siyang kakayahang mamatay para sa aking adhika. Maaari mo itong ipahayag sa iyong mga kababayan o katinubuang lupa."
Halos katatapos wikain ito, noon lumamlam ang sinag ng tinghoy, na pakurap-kurap ang ningas dahil sa kawalan ng langis...
Kinaumagahan, nang pawiin ng kaliwanagan ng araw ang mga lagim at karimlan ng gabi, may bagay na kumikislap sa mga mata ng kabataan na mistulang isang nagbabagang adhika. Ni Emilio Jacinto |
|
|
Written by The Storyteller
|
|
Thursday, 27 August 2009 |
|
May isang kaharian pangalan ay berbanya na pinamumunuan ng isang hari nagngangalang Haring Fernando. May asawa siyang nagngangalang Reyna Valeriana at mga anak na sina Don Pedro, Don Diego at Don Juan na pawang nakalinya na susunod na hari ng Berbanya. Nang nagkaroon nd di malamang karamdaman ang hari, hinanap ni Don Pedro ang Ibong Adarna na ang awit lamang ang makapagpapagaling sa sakit ng hari. Narrating niya ang puno ng Piedras Platas subalit hindi niya nakita ang ibon dahil siya ay naging bato. Sumonod naman ay si Don Diego, nakita niya ang Adarna subalit nakatulog sa ganda ng awit ng Adarna kaya naging bato. Maluwalhati naming nakarating si Don Juan sa tuktok ng bundok Tabor at doon ay may nakita siyang ermitanyo. Binigyan siya nito ng pagkain at ilang impormasyon tungkol sa ibong adarna pati na rin 7 dayap at isang labaha upang hindi makatulog. Nang marating niya ang puno, ginamit niya ang mga dayap at labaha. Nang mahuli niya ang adarna, tinalian niya ang paa at saka dinala sa ermitanyo at nilagay sa loob ng isang hawla. Pinabuhusan ng tubig ang dalawang kapatid at naglakad sila patungo sa Berbanya. Pinagtulungan ng dalawa si Don Juan upang masolo ang pagiging hari. Ang adarna ay pangit na at malungkot ganoon din si Haring Fernando nang makitang hindi kasama ng dalawa si Don Juan. Ginamot ng isang uugod-ugod na matanda si Don Juan at umuwi na sa Berbanya. Nakita ng adarna si Don Juan at ito ay umawit at nagamot si haring Fernando. Iminungkahi ng adarna nag awing hari si Don Juan. Iniutos ng hari na ipatapon ang dalawa, ngunit dahil humiling si Don Juan na huwag na lang, ito ay ipinatigil. |
|
Read more...
|
|
|
Written by Administrator
|
|
Thursday, 03 July 2008 |
|
Noong unang panahon, ang mga sinaunang Diyos ay nagdesisyong gumawa ng isang obra maestra. Sila'y gumawa ng isang perpektong babae na pinangalanan nilang Pandora. Lahat ng mga naghahari doon ay nagbigay kay pandora ng regalo na hahangaan ng iba: Kagandahan, katalinuhan, kaalaman at kakayahan sa lahat ng bagay. Sa wakas dinala na siya kay Hupiter, ang Diyos ng lahat ng mga hari, upang ibigay ang kanyang natatanging regalo kay Pandora na hindi mahihigitan ng anumang regalo ng iba, bago pa siya ipadala sa mundo. Si Hupiter, na hindi papatalo sa mga regalong naibigay na sa kanya ng ibang mga hari. Kaya't binigyan niya ito ng isang magandang kahon na may disenyo. Binilin niya kay Pandora na huwag itong bubuksan kahit anong mangyari. Ngunit hindi nakatiis si Pandora na malaman kung ano talaga ang nilalaman ng kahong iyon. Isang araw binuksan niya iyon, nagulat siya sa kanyang natuklasan, naglabasan lahat ng masasamang elemento na magbibigay ng masamang epekto sa mga tao: Pagkatanda, pagkakasakit, pagseselos, pagkasakim at poot. Bago pa naisara ni pandora ng kahon nakalabas na ang mga ito at kumalat na sa buong mundo. Sa kabutihang palad, naiwan sa loob ang "Pag-asa" na siyang magpapatibay ng loob sa mga taong dumadaan sa mga pagsubok sa kanilang buhay |
|
|
The Poor Fisherman and His Wif |
|
|
|
|
Written by The Storyteller
|
|
Thursday, 26 June 2008 |
|
Many, many years ago a poor fisherman and his wife lived with their three sons in a village by the sea. One day the old man set his snare in the water not far from his house, and at night when he went to look at it, he found that he had caught a great white fish. This startled the old man very much, for had never seen a fish like this before, and it occurred him that it was the priest of the town. He ran to his wife as fast as he could and cried: "My wife, I have caught the priest." "What?" said the old woman, terrified at the sight her frightened husband. "I have caught the priest," said the old man again. T hey hurried together to the river where the snare was set, and when the old woman saw the fish, she cried: "Oh, it is not the priest but the governor." "No, it is the priest," insisted the old man, and they went home trembling with fear. That night neither of them was able to sleep for thought of the terrible thing that had happened and wondering what they should do. Now the next day was a great holiday in the town. At four o'clock in morning cannons were fired and bells rang loudly. The old man and woman, hearing all the noise and not knowing the reason for it, thought that their crime had been discovered, and the people were searching for them to punish them, so they set out as fast as they could to hide in the woods. On and on they went, stopping only to rest so as to enable them to resume their flight. The next morning they reached the woods near Pilar, where there also was a great holiday, and the sexton was ringing the bells to call the people to mass. As soon as the old man and woman heard the bells they thought the people there had been notified of their escape, and that they, too, were trying to catch them. So they turned and started home again. As they reached their house, the three sons came home with their one horse and tied it to the trunk of the caramay tree. Presently the bells began to ring again, for it was twelve o'clock at noon. Not thinking what time of day it was, the old man and woman ran out of doors in terror, and seeing the horse jumped on its back with the intention of riding to the next town before anyone could catch them. When they had mounted they began to whip the horse. In their haste, they had forgotten to untie the rope which was around the trunk of the caramay tree. As the horse pulled at the rope fruit fell from the tree upon the old man and woman. Believing they were shot, they were so frightened that they died. |
|
|
Written by The Storyteller
|
|
Thursday, 26 June 2008 |
|
Juan was always getting into trouble. He was a lazy boy, and more than that, he did not have good sense. When he tried to do things, he made such dreadful mistakes that he might better not have tried. His family grew very impatient with him, scolding and beating him whenever he did anything wrong. One day his mother, who was almost discouraged with him, gave him a bolo and sent him to the forest, for she thought he could at least cut firewood. Juan walked leisurely along, contemplating some means of escape. At last he came to a tree that seemed easy to cut, and then he drew his long knife and prepared to work. Now it happened that this was a magic tree and it said to Juan: "If you do not cut me I will give you a goat that shakes silver from its whiskers." This pleased Juan wonderfully, both because he was curious to see the goat, and because he would not have to chop the wood. He agreed at once to spare the tree, whereupon the bark separated and a goat stepped out. Juan commanded it to shake its whiskers, and when the money began to drop he was so delighted that he took the animal and started home to show his treasure to his mother. On the way he met a friend who was more cunning than Juan, and when he heard of the boy's rich goat he decided to rob him. Knowing Juan's fondness for tuba he persuaded him to drink, and while he was drunk, the friend substituted another goat for the magic one. As soon as he was sober again, Juan hastened home with the goat and told his people of the wonderful tree, but when he commanded the animal to shake its whiskers, no money fell out. The family, believing it to be another of Juan's tricks, beat and scolded the poor boy. The went back to the tree and threatened to cut it down for lying to him, but the tree said : "No, do not cut me down and I will give you a not which you may cast on dry ground, or even in the tree tops, and it will return full of fish." So Juan spared the tree and started home with his precious net, but on the way he met the same friend who again persuaded him to drink tuba. While he was drunk, the friend replaced the magic net with a common one, so that when Juan reached home and tried to show his power, he was again the subject of ridicule. Once more Juan went to his tree, this time determined to cut it down. But the offer of a magic pot, always full of rice and spoons which provided wbatever he wished to eat with his rice, dissuaded him, and he started home happier than ever. Before reaching home, however, he met with the same fate as before, and his folks, who were becoming tired of his pranks, beat him harder than ever. Thoroughly angered, Juan sought the tree a fourth time and was on the point of cutting it down when once more it arrested his attention. After some discussion, he consented to accept a stick to which he had only to say, "Boombye, Boomba," and it would beat and kill anything he wished. When he met his friend on this trip, he was asked what he had and he replied: "Oh, it is only a stick, but if I say 'Boombye, Boomba' it will beat you to death." At the sound of the magic words the stick leaped from his hands and began beating his friend until he cried: "Oh, stop it and I will give back everything that I stole from you." Juan ordered the stick to stop, and then he compelled the man to lead the goat and to carry the net and the jar and spoons to his home. There Juan commanded the goat, and it shook its whiskers until his mother and brothers had all the silver they could carry. Then they ate from the magic jar and spoons until they were filled. And this time Juan was not scolded. After they had finished Juan said: "You have beaten me and scolded me all my life, and now you are glad to accept my good things. I am going to show you something else: "Boombye, Boomba'." Immediately the stick leaped out and beat them all until they begged for mercy and promised that Juan should ever after be head of the house. From that time Juan was rich and powerful, but he never went anywhere without his stick. One night, when some thieves came to his house, he would have been robbed and killed had it not been for the magic words "Boombye, Boomba," which caused the death of all the robbers. Some time after this he married a beautiful princess, and because of the kindness of the magic tree they always lived happily. |
|
| |
|