SUBMIT A STORY

Please use our contact form if you want to contribute to SSK. You can submit any story that you want and we will post it here after some verification. Help others by submitting a story!

Click here to submit your story!

 
Only in the Philippines - www.onlyinph.com
Ang Kambing at ang Lobo PDF Print E-mail
Written by Administrator   
Thursday, 03 July 2008

Isang kambing ang nasa dulo ng bangin at kasalukuyang kumakain ng damo roon. Namataan siya ng lobo at nais sana siyang kainin, ngunit hindi nito magawang sunggaban siya sa takot na baka pareho silang bumulusok sa matarik na bangin.

"Ano't nagtitityaga ka sa maliit na damong kinakain mo diyan?", ang sabi ng lobo. "Bakit hindi ka dito sa baba kumain ng damo, kung saan mas marami at mas luntian ang mga kulay," panghihihkayat nito.

Pero sa halip na matukso, ang kambing ay nanatili sa kanyang kinatatayuan at sinabing, "Aanhin ko ang luntiang damuhan, kung ito nama'y nakatanim sa lupang kinatatayuan ng isang matakaw na lobong tulad mo na walang ibang hangad kundi ang ako ay lamunin?"

 
< Prev   Next >
© 2010 Sari-saring Kwento