|
Written by Administrator
|
|
Thursday, 03 July 2008 |
|
Minsan may isang pakakataon na ang katotohanan ay nalungkot. Nalulungkot siya dahil hindi na siya 'sing tanyag sa mga tao, 'di kagaya noong mga naunang panahon. Sa katunayan, marami sa mga tao ang tumanggi sa kanya. Hindi siya tinatanggap sa tuwing siya'y nagpapakita. Habang ang iba naman ay nahihiya sa tuwing masasalubong siya. "Ano nga ba ang nararapat kong gawin upang muling manumbalik ang 'amor' sa akin ng mga tao?" Isang araw, nakasalubong niya si Parabula. "Bakit ka malungkot, Katotohanan?" "Dahil ako'y matanda na at pangit. Wala nang magkagusto sa akin." "Katotohanan, ikaw pa rin ang Katotohanang nakilala ko noon. Hindi ka nagbabago. At wala nang magbabago pa sa iyo. Kaya hindi totoo pangit at matanda ka na kaya ka iniiwasan ng mga tao." "Kung ganoo'y bakit? Ang tanong ng Katotohanan. "Dahil hindi lahat ay madali kang matatanggap. Bakit hindi mo hiramin ang aking kasuotan? Gamitin mo ang aking mga palamuti. Magkubli ka sa likod ng mga bagay na ito, at makikita mo, tatanggapin ka na uli ng mga tao." At ganoon nga ang nangyari. Mas naging katanggap-tanggap an Katotohanan sa likod ng Parabula. MENSAHE: Mahirap, kung minsa'y masakit tanggapin ang katotohanan.
|