|
Ang Alamat ng Bulaklak ng Narcissus |
|
|
|
|
Written by Administrator
|
|
Thursday, 03 July 2008 |
|
Noong unang panahon na nag mundo ay malapit sa kalangitan, at ang tao'y natatanaw pa ng diyos at diyosa, ay may isang nilalang na isinilang na perpekto; siya ay si Narcissus. Si Narcissus ay isang binatang ubod ng kisig. Napakaganda ng kanyang mukha at tindig. Tila anghel ang kanyang mukha na napakalinis na lalong bumagay sa kanyang mapulang labi, matangos na ilong, makapal na kilay at nagniningning na mga mata. Ang kanyang katawan ay kay ganda ng hubog at tila inukit ng mahusay na iskultor. Walang nilalang sa lupa na hindi hahanga sa kakisigan ni Narcissus. Sa katunayan, maging ang mga diyos at diyosa sa kalangitan ay humahanga at sumasaya sa tuwing siyay'y natatanaw. Hindi lingid kay Narcissus ang kanyang perpektong kakisigan, kung kaya't ganun na lamang ang pag-iingat na ginagawa niya para sa kanyang katawan. At sobrang paghanga ng binata sa sariling katangian ay walang oras na hindi niya tinitingnan sa tubig ang kanyang sariling repleksyon. Lalo naman siyang humahanga sa sarili habang naglalaon. Sa paglipas ng mga araw, kinailangan ng binatang si Narcissus ang maglakbay sa ibang lugar, kung saan ay kailangan niyang bagtasin ang mga gubat. At sa paglalakbay nga ni Narcissus ay naging napakahirap para sa kanya, sapagkat hindi siya sana'y na mahirapan ang katawan. At isa pa, sa gubat na kanyang nadaraan ay puro puno at halamn, kung kaya't hindi niya nasisilayan ang sariling repleksyon sa tubig; bagay na kinasasabikan na niya. At isang araw, anong saya ang nadama ng binata nang sa isang gubat ay nakakita siya ng batis. Nagmamadali na lumapit si Narcissus sa batis at tiningnan nito ang sarili sa tubig. Lalo pang humanga ang binata sa sarili sa mga oras na iyon, dahil na rin sa kasabikan niyang makita ang sariling repleksyon. At upang lalo pang makita ang sarili, ay lao pang inilapit ni Narcissus ang mukha sa tubig. Ngunit bigla nalang nadulas ang binata at nahulog pabulusok sa tubig. Sa kasamaang palad, si Narcissus ay nalunod at pumanaw. Lubhang nalungkot ang lahat sa sinapit ng binata. Maging ang mga diyos at diyosa ay nakadama ng matinding lungkot sa spagkawala ng pinakamagandang tao sa mundo. At biglang pag-alala ng mga diyosa sa binata, ay isang halaman na may kay-ganda at kay-putting bulaklak ang pinatubo nila sa gilid ng mga batis. At ang bulaklak nga na ito ay tinawag nating "Narcissus" hanggang sa ngaun.
|