SUBMIT A STORY

Please use our contact form if you want to contribute to SSK. You can submit any story that you want and we will post it here after some verification. Help others by submitting a story!

Click here to submit your story!

 
Only in the Philippines - www.onlyinph.com
Ang Alamat ng Gapan PDF Print E-mail
Written by Administrator   
Thursday, 03 July 2008
Si Andong ay isang batang matigas ang ulo. Hindi niya sinusunod ang payo ni ina, bagkus sinalungat pa niyaito.
Isang araw, nanaog ng bahay si Andong at nagpunta sa bakuran. Lumakad siya nang lumakad ngunit di makarating sa kanyang pupuntahan.
Gusto niyang umuwi na ngunit di niya matutuhan ang daan pauwi. Sa pagod, nakatulog siya sa lilim ng punong mangga.
Samantala, ang nanay niya ay di mapakali sa kahahanap kay Andong. Tinulungan pa siyang kaniyang kapitbahay upang hanapin ang andk niyangsi Andong.
Sabi ng isangkapit-bahay, "Paarang nakita ko ang anak ninyo sa kabilang ibayo. Paikot-ikot siya sa dalawang puno na para bang pinaglalaruan ng tiyanak."
"Kung hindi n'yo sa makita, kumuha kayo ng bilao, ipukpok ninyo sa puno ng hagdan at tawagin nang malakas ang kaniyang pangalan," ang payo naman ng isang magsasaka. Sinunod ng ina ni Andong ang payo ngunit wala ring nangyari.
Samantala, si andong naman ay nagising sa malakas na iyak ng isang bata, hubad ito at malaki ang tiyan. Nakahiga ito sa dahon ng saging. Kinalong ito ni Andong, ipinaghele ngunit iyak pa rin ng iyak. Nagalit na si Andong at akma ng hahambalusinnang biglang magbago ang anyo ng sanggol. Nagmukha itong matanda, mahaba ang balbas at buhok, at mukhang di naliligo. Ibinagsak nio Andong ang matanda. Takbo ng takbo si Andong ngunit sa kawayanan lang pala siya tumatakbo. Madilim na noon at siya'y pagod na pagod na. Nadapa siay ngunit kahit hirap na ay pilit pa ring gumapang.
Ang ina naman nya ay umuwi na. Nagukat siya ng datnan niya si Andong na gumagapang sa matinding pagod. Gapang siya ng gapang dahil pinaglalaruan siya ng tiyanak.
"Iyan ang napapala ng batang salbahe at matigas ang ulo," sabi ng marami.
Magmula noon ay naging bukambibig na ng tao ang "Baka matulad ka kay Andong, gapang nang gapang." Buhat noon ang pook na kinapapaligiran ng kawayan na kinakitaan kay Andong na gumagapang ay tinawag na Gapan, ang isang bayan sa katimugang bahagi ng Nueva Ecija, na ngayon ay isa ng lungsod.
 
< Prev   Next >
© 2010 Sari-saring Kwento