SUBMIT A STORY

Please use our contact form if you want to contribute to SSK. You can submit any story that you want and we will post it here after some verification. Help others by submitting a story!

Click here to submit your story!

 
Only in the Philippines - www.onlyinph.com
Ang Palaka at Ang Kalabaw PDF Print E-mail
Written by The Storyteller   
Wednesday, 23 April 2008
Isang araw ay humahangos na umuwi ang magkapatid na palaka.

"Itay, itay, nakakita po kami ni kuya ng higanteng bakulaw sa palayan. May matutulis na sungay at mahabang buntot. At ang itim ng kulay, nakakatakot! po!" sigaw ng batang palaka.

"Ha ha ha! Kalabaw ang nakita ninyo at hindi higanteng bakulaw," natatawang sagot ng amang palaka.

"Eh, bakit po ang laki-laki niya?" tanong ng batang palaka.

"Wala yun! Tingnan nyo ako, kaya ko rin palakihin ang katawan ko, " pagmamayabang ng amang palaka. Huminga siya ng malalim at pinalaki ang kanyang tiyan.

"Mas malaki pa po siya sa inyo," anang batang palaka.

"Ganun?" Suminghot pa ng malalim ang amang palaka at lalung pinalaki ang kanyang tiyan. "Ganito ba kalaki?" tanong niya.

"Mas malaki pa rin diyan!" sagot ng batang palaka.

Ibinuhos ng amang palaka ang kanyang lakas at suminghot ng suminghot ng napakalalim hanggang sa naging napakalaki na ng
kanyang tiyan. Maya-maya pa ay bigla silang nakaring ng malakas na "Pop!".  Yun pala ay sumabog ang tiyan na siyang ikinamatay ng ng amang palaka.
 
Last Updated ( Wednesday, 23 April 2008 )
 
< Prev   Next >
© 2010 Sari-saring Kwento