SUBMIT A STORY

Please use our contact form if you want to contribute to SSK. You can submit any story that you want and we will post it here after some verification. Help others by submitting a story!

Click here to submit your story!

 
Only in the Philippines - www.onlyinph.com
Ang Daga at ang Leon PDF Print E-mail
Written by The Storyteller   
Thursday, 22 May 2008
Isang leon ang nahulog sa patibong at nasilo ng lambat. Nakita ito ng mga daga at sila ay nag-usap-usap. "Mabuti nga sa leon na iyan! Mababawasan na ang mga nanghuhuli at kumakain sa atin!" ang sabi ng galit na daga.

Ngunit may isang munting daga na nagkaroon ng ibang paniniwala. "Bakit sa halip na matuwa tayo sa simapit ng leon ay hindi na lang natin siys tulungan sa kanyang kalagayan." Nagulat ang mga kasamahang daga sa sinabi ng munting daga. "Nasisiraan ka na ba? Bakit mo tutulungan ang ating kaaway?" Sumagot ang munting daga, "Dahi naniniwala akong kapag ang kasamaan ay ginantihan ng kabutihan, pagkakaibigan ang magiging bunga!"

Noon lumabas sa lungga ang munting daga. Nilapitan niya ang leon na kasalukuyang kumakawala sa lambat na kinasiluan. "Ano'ng ginagawa mo rito?" paninitang tanong ng leon nang makita ang munting daga. "Naririto ko upang ikaw ay tulungan. Matatalim ang aking mga ngipin at kayang-kaya kitang pakawalan mula sa lambat na iyong kinasiluan." Iyon lang at nagsimula na nga ang munting daga sa pagpakawala sa leon. Hindi nga nagtagal ay nakalaya rin si leon mula sa bitag.  Noon ito marahang lumapit sa munting daga. Nakadama ng takot so munting daga. Hanggang sa manlisik ang mga mata ni leon at nagsimulang magpakita ng kabangisan. Sinugod ang munitng daga. Sa takot na masaksihan ang madugong pagkamatay ni munting daga, nagpikit ng mga kasamahan nitong daga na nasa hindi kalayuan at nakamasid sa eksena. Ngunit nang imulat nila ang kanilang mga mata, laking gulat nila sa nasaksihan.
Buhay ang kasamahan nilang daga! Buhay si munting daga at masayang kaakbay ang
leon.
Sa tabing gilidni munting daga ay nakita rin nila ang isang patay na ahas. Ang ahas na iyon ang sinalakay ng
leon upang iligtas ang buhay ni munting daga, kung papaanong iniligtas din nito ang kanyang buhay. Tandaan:Ang Gintong Aral : Gawin sa Iba ang nais mong gawin sayo.
 
< Prev   Next >
© 2010 Sari-saring Kwento